Advertisers

Advertisers

LOLO’T LOLA, KAPWA KULONG SA ATTEMPTED HOMICIDE AT OBSTRUCTION OF JUSTICE SA RIZAL!

0 3

Advertisers

Kapwa arestado at kikasuhan ang mag-asawang matanda matapos ang tangkang pagpatay sa isang taxi driver sa Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Dakong 3:30 ng hapon, Setyembre 12, nagkainitan sina Conrado, 68 anyos, at ang biktimang si Bien, 52 anyos — matagal na raw magkaaway. Sa gitna ng pagtatalo, sinaksak ni Conrado sa dibdib ang biktima at tinaga pa sa braso gamit ang itak na may habang 23 pulgada.

Pagkatapos, tumakas si Conrado at pumasok sa loob ng kanilang bahay. Agad humingi ng tulong ang kinakasama ng biktima sa mga pulis. Nakita ng mga nagpapatrolyang BPSO na pumasok nga ang suspek sa kanilang tirahan.

Ngunit nang dumating ang mga awtoridad, itinanggi ni Eleonor, 60 anyos, kinakasama ni Conrado, na nasa loob ang asawa at isinara pa ang pinto. Dahil dito, dinakip din siya sa kasong Obstruction of Justice.

Kapwa kinasuhan sina Conrado — sa Attempted Homicide — at Eleonor — sa pagharang sa pulisya.

Ang biktima ay dinala sa Casimiro Ynares Memorial Hospital para magamot. (Edwin Moreno)