Advertisers

Advertisers

‘MOST WANTED PERSON’ NG CAMARINES SUR, NASAKOTE NG NCRPO OPERATIVES SA LAGUNA

0 141

Advertisers

NAGWAKAS na rin sa piitan ang halos 8 taon na pagtatago sa batas ng isang lalake na nasa talaan ng Most Wanted Person sa lalawigan ng Camarines Sur matapos na matunton ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Libmanan Municipal Police Station ang pinagtataguan ng una sa lalawigan ng Laguna.

Ikinatuwa naman at pinuri ni NCRPO Regional Director PMGEN Edgar Alan O Okubo ang malakas na koordinasyon ng mga operatiba ng NCRPO at Libmanan Municipal Police Station, Camarines Sur PPO, Police Regional Office 5 na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang wanted na nagtatago sa Laguna ng halos walo (?? taon.

Ang suspek ay nakilalang si Reynaldo Salvador y Penaredondo,51-anyos, dating barangay tanod sa Camarines Sur.



Batay sa ulat ng pulisya, naaresto ang akusado dakong alas-2:30 ng hapon noong Marso 27, 2023 sa Sitio Yambo, Brgy Lorenzo, San Pablo, Laguna.

Nabatid sa record na noong 2015, ang akusado ay dating Executive Officer ng Brgy. Mabini sa Camarines Sur. Habang nakikisama sa kanyang live-in partner ay paulit-ulit umano nitong ginahasa at nakaranas din ng sexual assault ang kanyang stepdaughter.



Si Penaredondo ay inaresto sa bisa ng isang Warrant of Arrest para sa krimen ng Rape (5 Counts) na walang inirekomendang piyansa at para sa Sexual Assault (6 Counts) na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php120,000 bawat count, na inisyu ng RTC 5th Judicial Region, Branch 29, Libmanan, Camarines Sur.

Ang akusado ay pansamantalang nakakulong sa NCRPO detention facility bago ibalik ang kanyang Warrant of Arrest sa court of origin.



“Ang pag-arestong ito ay nagpapatunay na ang NCRPO ay patuloy na nagsisikap na hanapin at arestuhin ang mga nagtatangkang tumakas sa batas. Ang kredito ay napupunta sa mabilis na pagkilos at mahusay na koordinasyon sa iba’t ibang mga operating unit ng PNP at ang lubos na pinahahalagahan na suporta na nagmumula sa komunidad,” sabi ni PMGEN Okubo. (JOJO SADIWA)