Advertisers
NANGUNA ang lungsod ng Legazpi sa may pinakamataas na heat index sa buong bansa, ayon sa impormasyong inilabas ng DOST-PAGASA nitong Mayo 12.
Naitala ang 50°C temperatura, pinakamataas kumpara sa ilan pang lugar sa bansa.
Sumunod ang Butuan City, Agusan del Norte na may 46°C; Dagupan City sa Pangasinan; Dipolog, Zamboanga del Norte; Iba, Zambales; Roxas City, Capiz; at San Jose, Occidental Mindoro na pawang may 44°C.
Sumunod naman ang Catarman, Northern Samar; Davao City, Davao del Sur at ang Masbate City sa Masbate na pawang nasa 43°C.
Pinag-iingat ang lahat sa banta ng init ng panahon dahil sa posibilidad na mga sakit na idinudulot nito tulad ng sakit ng ulo, ubo, sipon, hypertension at heat stroke.