Advertisers

Advertisers

2 bahay inararo ng payloader: 1 patay, 2 sugatan

0 104

Advertisers

NASAWI ang isa katao at dalawa ang malubhang nasugatan kabilang ang isang bata nang araruhin ng isang payloader ang dalawang bahay sa Iligan City noong Biyernes.

Naganap ang aksidente sa Purok Mansulahog, Barangay Rogongon, Iligan City hapon ng Biyernes, May 19, 2023.

Ayon sa lokal na pulisya, hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Carmelita Onotan Pandana nang mahagip ng malalaking gulong ng payloader na minamaneho ni Sherwin Caballero.



Wasak ang dalawang barung-barong na pagmamay-ari ng mga magkapitbahay na sina Freddie Arado at Solo Piawan.

Nasa loob ng naturang mga tahanan ang nasawing si Pandana at ang mga sugatang si Melca Villamea at isang 2-taon gulang na bata, na pawang nasa pagamutan na.



Nawalan umano ng preno ang payloader.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">