Advertisers
HINAMON ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga awtoridad na gamitin ang mga nadiskubreng ebidensya kaugnay ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng Kamara tungkol sa sindikato ng kartel sa sibuyas sa bansa.
Sinabi ni Romualdez na kung sakali mang nagpositibo na matukoy kung sino ang mga taong sangkot sa iligal na operasyon ay dapat silang masampahan ng mga kaukulango upang ganap na matuldukan ang kartel ng sibuyas na labis umanong nagpapahirap sa taongbayan.
“The extensive hearings conducted by the House have already provided good leads which our authorities can follow to build an air tight case and prosecute those involved,” ayon kay Romualdez.
Ang panawagan ay ginawa ni House Speaker matapos pangalanan ni Marikina City 2nd District Rep. Stella Luz Quimbo ang mga personalidad at mga kumpanya na sangkot sa iligal na operasyon kung saan sila ang may impluwensya at magkakasabwat umano na nagpapatunay ng kartel ng sibuyas sa bansa.
“I call on the concerned authorities like the National Bureau of Investigation, the Philippine Competition Commission and the Department of Agriculture to work together to stamp out this cartel and spare our people from further suffering caused by their unscrupulous trade practices,” ani Speaker Romualdez.
Diin ng lider ng Kamara na ang hindi makatarungang trade practices ay may karampatang kaparusahan sa ilalim ng Philippine Competition Act (PCA), kung saan nakakasuhan ang mga negosyong napapatunayang sangkot sa anti-competitive agreements na may multang aabot sa P100 million at pagkakakulong ng hanggang pitong taon. (Henry Padilla)