Advertisers

Advertisers

Kawani ng BuCor timbog sa kontrabando

0 195

Advertisers

NASAKOTE ang isang kawani ng Bureau of Corrections (NBP) nang mahulihan ng kontrabando nitong Sabado sa New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City.

Sa report na natanggap ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., kinilala ang nahulihan ng kontrabando na si CO1 Marvin Ceballos.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente 2:47 ng hapon sa NBP Compound. Minamaneho ni Ceballos ang isang ambulansiya (SAB 4894) upang dalhin sa emergency ang isang inmate (person deprive of liberty).



Ngunit ayon kay Sr. Inspector Angelina L. Bautista, OIC-Deputy Director General for Operations at ODG-Head Executive Assistant, mayroon silang protocol na pinatutupad na anumang sasakyang gagamitin mula sa NBP ay dapat itong inspeksiyunin.

Habang iniinspeksyun ng mga guwardya na sina K9Hs Leonard Torralba at Joe Joanne Pecha ang nasabing ambulansiya, nadiskubre nila sa compartment nito ang pinatuyong dahon ng tabako.



Agad na itinawag nina Torralba at Pecha sa tanggapn ng BuCor ang insidente at dito inaresto si Ceballos.

Ayon kay Catapang, hindi lamang mga inmate at PDL ang kanilang mahigpit na binabantayan maging ang kanilang personnel na sangkot umano sa katiwalian.



Dahil nga sa repormang ipinatutupad sa ilalim ng pamumuno ni Catapang lahat ng lumalabas at pumapasok na sasakyan ng BuCor personnel sa NBP ay dadaan sa masusing inspeksyon.(GAYNOR BONILA/JOJO SADIWA)