Advertisers

Advertisers

Julia walang pagod kahit sunud-sunod ang mga raket sa showbiz

0 163

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ISA si Julia Barretto sa pinakaabalang artista ngayon sa local showbiz; napapagod din ba siya sa dami ng kanyang mga commitments?
“You know what, to be honest I think I’ve already got into a point in my life where there’s so much balance. So yung work/life balance ko is steady siya ngayon.
“Yung amount of work ko parang nabibigyan din ako ng same amount of time to recharge and to recollect and magpahinga talaga and that’s something I’ve been wanting to achieve for a very long time.
“And I’m just so grateful na you know at twenty six it’s something that I have already been able to figure out.
“And at the same time I love working so kahit tuluy-tuloy pa ‘yan tapos tatlong araw lang ang pahinga ko, okay lang din, e.
‘We’re so young so parang… kinakaya pa ng endurance namin, hinahanap pa siya ng katawan ko.
“So really no complaints, I’m in a good place in my life.”
Dahil Will You Be My Ex? ang titulo ng kanilang pelikula, natanong si Julia kung may nasabihan na ba siya ng “Will you be my ex?”
Wala raw.
“Actually first time ko lang marinig yang question na will you be my ex, actually in doing this film.
“So definitely not,” at tumawa si Julia na gumaganap bilang si Chris sa pelikula, kasama sina Diego Loyzaga bilang Joey, Divine Aucina bilang Jonjie, Juan Carlos Galano bilang Jed at Bea Binene bilang Yanna.
Ipalalabas ang Will You Be My Ex sa mga sinehan ngayong June 21, sa direksyon ni Real Florido at mula sa Studio Viva, Firestarters Production at Viva Films.
***
PANGALAWANG beses na magkakatrabaho sa isang teleserye ang mag-asawang Megan Young at Mikael Daez sa Royal Blood; una ay sa The Stepdaughters na umere noong 2018.
Ano ang pagkakaiba ng pagsasama nila sa isang serye noon at ngayon?
“I think it’s the dynamic of the character, I think that’s the biggest difference,” umpisang pahayag ni Megan.
“Yung before kasi sa Stepdaughters very lovey-dovey, parang young individuals but now, mas kilig noon, dito kasi mas malalim yung pinaghuhugutan ng characters in the sense na marami na kaming baggage.
“So parang kailangan namin talagang pag-usapan na, ‘Okay paano ba tayo dito kasi I feel like Diana’s character is 360 (degrees) from Megan, even Kristoff is 360 kay Mikael.
“So kailangan namin pag-usapan, ‘Kung tayo sina Diana at Kristoff paano tayo magre-react sa linya ni Napoy, sa linya ni Margaret and all the other characters.”
Bida sa Royal Blood si Dingdong Dantes bilang si Napoy at si Rhian Ramos naman ang gumaganap bilang si Margaret.
Napapanood ang Royal Blood weeknights 8:50 p.m. sa GMA at 11:30 p.m. mula Lunes hanggang Huwebes at 11 p.m. tuwing Biyernes sa GTV.
Sa direksyon ni Dominic Zapata, nasa Royal Blood din sina Rabiya Mateo (bilang Tasha), Dion Ignacio (bilang Andrew), Lianne Valentin (bilang Beatrice), at may mahalagang papel naman sa serye si Tirso Cruz III bilang si Gustavo Royales.
Nasa cast din ng Royal Blood sina Ces Quesada (bilang Aling Cleofe), Benjie Paras (bilang Otep), Carmen Soriano (bilang Camilla), at Arthur Solinap (bilang Emil).
Kasama rin sa serye ang Sparkle Teens na sina James Graham (bilang Louie), Aidan Veneracion (bilang Archie), Princess Aliyah (bilang Anne) at ang child actress na si Sienna Stevens (bilang Lizzie).