Advertisers

Advertisers

National voter’s list target ng Comelec na mapawalang bisa

0 122

Advertisers

NAIS ng Commission on Elections (Comelec) na ipawalang bisa ang national voter’s list para ganap na mabura ang ghost voters at multiple registrants.

Kaugnay nito, nananawagan si Comelec chairman George Erwin Garcia sa mga mambabatas na mapawalang bisa ang buong listahan ng mga botante kabilang ang mga nananatili sa ibang bansa kasabay ng pagbibigay diin ng pangangailangang maging back to zero upang ma-improve pa ang kasalukuyang sistema.

Pahayag pa ni Garcia, ang pinakalumang record ng biometrics ay mula pa noong 2003.



Dalawang dekada na aniya ang listahan at inamin pa ni Garcia na mahirap na para maberipika ang pagkakakilanlan ng mga botante.

Kaya’t kapag napawalang bisa aniya ang listahan ng mga botante at nagsagawa ng general registration ng mga botante sa paghahanda sa 2028 elections, maa-update rin ang database ng Comelec.

Sa datos noong Hulyo 10, nasa 415, 433 multiple registrants ang tinanggal na ng Comelec kung saan karamihan ay sa National Capital Region.