Advertisers
NGAYONG nasa 85 porsyento ang rehabilitasyon ng Marawi City, batay sa ulat ni Task Force Bangon Marawi field office manager Felix Castro Jr., binigyang diin ni Climate Change Commissioner Albert Dela Cruz, Sr. ang kahalagahan ng pagbahagi sa proseso ng pagbango ng lungsod ng aspeto ng mitigation at adaptation sa mga epekto ng climate change at global warming.
Tinukoy ni Dela Cruz na ang sinimulan ang pagbangon ng Marawi noong 2017 at anim na taon makalipas, malapit na itong Makabalik sa dating estado habang pinamamadali ito sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.
“Ang pagbuhay sa Marawi ay kritikal na bahagi ng ating pag-unlad dahil ang lungsod ay dati pang isang sentro ng kalakalan at nakapag-ambag ng malaki sa ating ekonomiya. Subalit sa rehabilitasyon ng lungsod, hindi dapat nating malimutan na kailangan nating isabay rito ang pagbabagong anyo ng Marawi bilang isang ‘Ecopolis’ o ‘Green City’ na sumusuporta sa mga programa at polisiya na magpapasimula ng agarang climate action bukod sa mmga mitigation at adaptation measure na tutugon sa epekto ng climate change,” kanyang pinunto.
“Alam natin ang kahalagahan ng pangangalaga ng ecological balance na susuporta at magtataguyod ng buhay ng marami sa ating mamamayan habang sinusulong ang pagprotekta sa ating kapaligiran sa pamamagitan ng mga pamamaraang magpapaigting sa ating kapabilidad sa pagkamit ng food security, economic advancement at resiliency sa masasamang epekto ng climate change,” dagdag ni Dela Cruz na isang kilalang environmentalist at urban planner.(Tracy Cabrera)