Advertisers

Advertisers

EX-MAYOR SA ILOCOS NORTE, ‘NALAMBAT’ SA ISANG RESORT SA LAGUNA

0 51

Advertisers

ISANG dating Alkalde sa Ilocos Norte ang inaresto nang pinagsanib na elemento ng Regional Special Operations Group-Regional Intelligence Division National Capital Region Police Office (RSOG- RID, NCRPO) kasama ang Philippine Navy matapos na magsagawa ng intelligence driven operation mula sa pinagtataguan nito sa Calamba City, Laguna.

Sa tulong ng 83rd Company at 81st Company na parehong RDB PNP-SAF at Calamba City Police Station ay nagresulta sa pagkakadakip ni dating Mayor ng Dingras, Ilocos Norte na si Marynette Gamboa. Siya ay naaresto noong Setyembre 30,2023 , bandang alas-10:30 ng umaga sa Kai-Balinese Poll Resort, Indigo Bay Hot Spring Subdivision Sucol, Real , Calamba City, Laguna.

Sa ulat kay NCRPO Acting Regional Director PBGen Jose Melencio C Nartatez na si Gamboa, na tinaguriang Number 2 Provincial Level Most Wanted Person ng Ilocos Norte ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong Hulyo 11, 2022, ni Hon. Felix Gabrial Salvador, Presiding Judge ng RTC Branch 17 Batac City, Ilocos Norte, para sa Crime of Murder na walang inirekomendang piyansa.



Nabatid sa report na ang dating Alkalde ang itinuturong utak sa pagpatay kay Ilocos Norte, Electric Cooperative President, Lorenzo Rey Ruiz noong 2009. Siya rin ang umano’y utak sa pananambang kina Dingras Mayor-Elect Jeffrey Saguid at Sangguniang Panlalawigan Board Member Robert Castro noong Disyembre 2009.

Nakalaya si Gamboa mula sa bilangguan sa Batac City dalawang linggo matapos siyang arestuhin para sa mga kasong Murder matapos alisin ni Regional Trial Court Branch 17 Judge Felix Salvador ang warrant para sa pag-aresto kay Gamboa na inilabas niya noong Mayo 30, 2019, na binanggit ang kanyang nakabinbing motion for reconsideration.



Ngunit pagkatapos ng tatlong taon, ang apela ni Gamboa ay tinanggihan at isang warrant of arrest ay muling inisyu ni Judge Salvador noong Hulyo 11, 2022.

Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng RSOG Office para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.



“Pinupuri ko ang pakikipagtulungan ng aming mga operating unit para sa isa pang positibong operasyon na hinimok ng intelligence at pagpapatupad ng warrant of arrest laban sa isang taong hinahangad ng batas. Nagsisilbi ito bilang babala sa lahat ng takas, maaari kang magtago ngunit hindi ka makakatakas sa mahabang bisig ng batas.” ayon kay Nartatez. (JOJO SADIWA)