Advertisers

Advertisers

BABAENG EX-MAYOR ‘WANTED’ SA MGA PAGPATAY SA ILOCOS TIMBOG!

0 27

Advertisers

NADAKIP na ang dating babaeng alkalde ng Dingras, Ilocos Norte na si Marynette Gamboa na may kinakaharap na kasong murder sa pagkamatay ng dating presidente ng Ilocos Norte Electric Cooperative na si Lorenzo Rey Ruiz noong 2009.

Sa imbestigasyon, lumalabas na si Gamboa ang utak sa kaso ng pagpatay kay Ruiz.
Dahil dito, nalagay ang kanyang pangalan sa Top 2 most wanted person sa probinsya ng Ilocos Norte.

Ang arrest warrant laban sa dating alkalde ay inilabas ng Batac City Regional Trial Court noon pang July 11, 2022 at walang inirerekomendang piyansa



Itinituturo rin si Gamboa bilang mastermind sa pag-ambush kay Dingras mayor-elect Jeffrey Saguid at sa Sangguniang Panlalawigan board member na si Robert Castro noong December, 2009.

Una nang sinabi ng dating alkalde na maraming makapangyarihang pulitiko sa kanilang probinsya ang gusto siyang tanggalin sa kanyang pwesto.

Itinatanggi rin nito na may kinalaman siya sa mga paratang na ibinabato laban sa kanya.