Advertisers

Advertisers

Nasa Triple A na rin…Carla lumipat ng tirahan para tuluyang makalimutan si Tom

0 69

Advertisers

Ni NOEL ASINAS

PARA kay Carla Abellana, naka-move on na siya sa pakikipaghiwalay kay Tom Rodriguez. Kung anumang problem sa hiwalayan, pinaubaya na niya sa kanyang lawyer. Lumipat na siya ng bahay. May sarili na siyang tirahan ngayon.
Inaabangan ng fans ni Carla ang malapit nang ipalabas na soap ng actress na leading man si Gabby Concepcion, ang Stolen Life. Ipalalabas ito sa GMA Afternoon Prime.
Balitang tapos na ang taping ng Stolen Life. Nasabi ni Carla na last May 2023 pa tapos ang contract niya sa Kapuso Network.
Inamin ni Carla na mahal niya ang GMA. Sa network daw siya sumikat bilang actress. Di lang siya pumirma pa lang ng new contract. Sabi ng actress, under negotiation pa ang kanyang new contract.
Sa big mediacon na ibinigay ng Triple A group sa contract signing ni Carla, dumating ang mga big boss ng All Access Artist headed by CEO and President Mike Tuviera, Joselito Oconer (COO and CFO) and Jacqui Cara (Head of Operations).
Ang sister ni Mike, si Celeste Tuviera, ang namuno ng bonggang interview kay Carla.