Advertisers

Advertisers

Kathryn waging Best Dressed sa ABS-CBN Ball 2023; Donny at Belle nakasungkit ng dalawang awards

0 53

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

WALA na ngang network war na namamagitan sa ABS-CBN at GMA 7. Katunayan nito, ina-allow na ng Kapuso network ang paggi-guest ng ilang Kapuso stars nila sa It’s Showtime, at ang pakipag-collaboration nila sa ABS-CBN ng drama series na Unbreak My Heart.
At noong Huwebes, September 28, muling ipinakita ng dating rival networks na tapos na nga ang network war sa pagitan nila. Bumisita at nakisaya kasi ang GMA-7 bosses, sa pangunguna ni Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Atty. Annette Gozon-Valdes, sa opening ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime.
Naroon din sina Sparkle GMA Artist Center Vice President Joy Marcelo, Sparkle Senior Talent Manager Tracy Garcia, Janna Revilla, at Carmina Cruz.
Present din sa show ang ABS-CBN executives na sina COO for Broadcast Cory Vidanes at Head of Non-Scripted Format Lui Andrada.
Masayang sinalubong at ipinakilala ng mga host na sina Kim Chiu, Amy Perez, Karylle, Ryan Bang, Teddy Corpuz, Jugs Julueta, Ion Perez, Jacky Gonzaga, at Cianne Dominguez ang kanilang VIP guests.
Sabi ni Amy, “Sobrang espesyal ng araw na ito dahil kasama natin si Tita Cory and Ms. Annette, and of course, the beautiful ladies of GMA-7.”
Dugtong naman ni Kim, “Grabe, iba ang pagbati natin sa madlang people, very special!”
Hindi rin pinalampas ng mga host ng It’s Showtime na pabatiin sina Atty. Annette at Cory Vidanes ng kanilang iconic greeting na “What’s Up, Madlang People!”
Pinabati rin sila ng “What’s Up, Madlang Kapuso!” bilang pagpupugay sa Kapuso viewers.
Ito ang kauna-unahang beses na dumalaw si Atty. Annette at iba pang GMA-7 executives sa studio ng It’s Showtime mula nang umere ang programa sa GTV, ang subsidiary channel ng GMA Network noong July 1, 2023.
Ikinatuwa naman ng solid fans ng It’s Showtime ang pagpapakita ng suporta ng GMA-7 executives sa gitna ng isyung pinagdaraanan ngayon ng Kapamilya noontime show.
***
SA nagdaang ABS-CBN Ball 2023 na ginanap noong September 30 sa Makati Shangri-La Hotel, Big winner ang love team nina Belle Mariano at Donny Pangilinan na itinanghal na “Stars of The Night” at “Power Couple of the Ball”
Para sa taong ito, nagkaroon ng online voting ang fans via YouTube at KTX. Tinawag itong People’s Choice Awards.
Sa pagkapanalo ng DonBelle ng dalawang awards, pagpapatunay lang ito na marami na talaga silang fans, na bumoto sa kanila para manalo ‘di ba?
Hindi talaga sila pinabayaan ng mga fan na sumusuporta sa kanilang tambalan.
Siyempre, pahuhuli ba naman ang mga fan ni Kathryn Bernardo? Hindi rin nila pinabayaan ang kanilang idolo. Bumoto rin sila to the max for Kath, na naging dahilan para siya ang hiranging Best Dressed.