Advertisers

Advertisers

May MJ ang Jordan!

0 1,279

Advertisers

Mintis man mga unang limang tira ni Rondae Hollis- Jefferson ay nakarecover siya sa 2nd quarter hanggang dulo ng game para talunin ng Jordan ang Gilas Pilipinas noong Sabado.

Ang naturalized player ng kalapit bansa ng Israel ay nag-ala Michael Jordan na laro upang daigin ng kanyang koponan ang mga Pilipino.

Magmula ng makuha ni RHJ ang rhythm ay wala na makapigil sa import din ng TNT sa PBA. Pumutok at pumatok na ang 28 anos na tubong Pennsylvania.



Siya highest scorer sa buong laban nang pumuntos ng 24 sa mga jumpshot at penetration.

Kahit sino ipabantay sa kanya ni Coach Tim Cone ay hindi umubra. Ke si Scottie Thompson o si Chris Newsome o si Justin Brownlee pa ay panis sa kanyang opensa. Oo yan ay ilang beses pa napasadsad sa sahig ang dating NBA player sa tindi ng depensa sa kanya. Hayun lumamang sila ng malaki.



Naitabla man ng Gilas ang laro sa ikatlong quarter nguni’t bumanat siya ng sunod-sunod at iniwan na muli ng mga Jordanian ang mga Pinoy.Kung si MJ ay His Airiness, si RHJ naman ay Mr Stabilizer.

***



Nagagalak si Mang Tomas na nagdiwang ng kanyang ika-70 kaarawan si Ramon “El Presidente” Fernandez kasama ang ilang teammate noon sa Toyota Comets/Corollas/Tamaraws. Ginanap ang tipar sa gallery ni Coach/Manager Dante Silverio.

Namataan sa party sina Francis Arnaiz, Emer Legaspi, Gil Cortez, Ompong Segura, Ed Camus, Ed Cordero at siyempre ang host na si Coach Silverio.

Nabuhay daw kanyang paboritong team ng late 70s hanggang 80s kung saan may mahigpit silang rivalry ng Crispa Redmanizers.

***

Abangan ninyo ngayong Oktubre ang episode ng OKS na magtatampok sa aklat na When We Were Champions ni Noel Albano. Ang may-akda ang bisita ng ating programa sa DWBL 1242 khz na hatid ng Biofresh socks at underwears.

Sakto ang guesting ni Albano dahil ang panahon na kampeon tayo sa basketball sa rehiyon ang paksa ng kanyang libro. Kakatapos lang ng World Cup at kasalukuyan naman inagtatalunan ang ginto sa Asiad.

May streaming din sa Facebook at YouTube ang tuwing Lunes na hapon nating sampung taong palatutunan.

***

Walang duda na si EJ Obiena nga ang nakaunang gold natin sa Hangzhou 2023. Nag set siya ng bagong AG record sa pole vault na 5.9 meters.

Muli niyang binigyan ang athletics team natin ng ginto mula nang kapanuhan ni Lydia de Vega sa 100 meter dash.

Sino kaya ang makagaya ng malaking karangalan na yan para sa natitirang mga manlalaro natin sa China? Sina Hidilyn Diaz at Eumir Marcial ba?