Advertisers

Advertisers

300 benepisyaryo ng CARROTS-Salubong ng CADAO

0 39

Advertisers

Nasa 300 benepisyaryo ng Community-Assisted Rehabilitation and Research Outpatient Treatment and Training System – Salubong (CARROTS-Salubong) ng Caloocan Anti-Drug Abuse Office (CADAO) sa completion ceremony noong Biyernes, Setyembre 29 sa Buena Park, Caloocan City – South.

Hudyat ang seremonya ng isang bagong kabanata sa buhay ng ika-12 batch ng CARROTS-Salubong completers, mula sa dating natukoy na low to moderate risk drug users hanggang sa itinuturing na ngayon malusog at drug-free.

Nagpahayag ng pasasalamat si CADAO Officer-in-Charge G. Wilmilson Amoyo kay City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan at ang mga katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagtiyak ng tagumpay ng programa.



“Malaki po ang ating pasasalamat unang-una sa ating butihing Mayor Along sa patuloy na pagtugon sa problema ng droga sa isang pamamaraan. Nagpapasalamat din po tayo siyempre sa Simbahan at sa ating mga community partners sa patuloy na pakikipagtulungan sa pamahalaang lungsod na malutas ang suliraning ito,” pahayag ni G. Amoyo.

Binigyang-diin ni Mayor Along na layunin ng kanyang administrasyon na magsagawa ng mga holistic na hakbang sa ang pagharap sa problema sa droga ay patuloy na ipatutupad habang tinitiyak din sa mga kumukumpleto na ang hindi titigil ang tulong na ibinibigay ng pamahalaang lungsod sa pagtatapos ng programang rehabilitasyon.



“Sinisiguro po natin ang mga pamamaraan upang malutas ang matagal na problema ng droga ay hindi tumitigil sa panghuhuli lamang sa mga nalulong o nagtutulak ng droga. Patunay po rito na habang kinikilala tayo ng pambansang pulisya sa dami ng mga droga personality na ating naaresto, pinararangalan din po ang mga inisyatiba ng CADAO pagdating sa community-based drug rehabilitation,” sabi ni Mayor Malapitan.

“Asahan po ninyo na tuloy-tuloy ang tulong na ibibigay ng pamahalaang lungsod sa ating mga ompleters kahit tapos na ang programa. Gagawin po natin ang lahat para mapangalagaan pa in ang kanilang mga karapatan at mabigyan ng mga oportunidad upang hindi na sila muling apunta sa maling landas,” he added.(BR)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">