Advertisers
ARESTADO ang isang binatilyo nang mabisto ang isiniksik nitong shabu sa lechon na pasalubong niya sa nakakulong na kaibigan sa Cebu City Jail (CCJ) noong Miyerkoles.
Sa ulat, araw ng dalaw nang magtungo ang 17-anyos na binatelyo sa CCJ kaya pinayagan itong magdala ng pagkain para sa kaibigang nakakulong.
Gayunman, nabisto ang isiniksik nitong droga nang hiwain ng guwardiya ang lechon na nakalagay sa isang disposable plastic container at aksidenteng tinamaan ng kutsilyo ang mga sachet ng droga na isinama sa laman ng karne.
Nasa kustodiya na ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan mananatili muna ito sa Operation Second Chance sa Kalunasan, Cebu City na isang juvenile facility sa lungsod.