Advertisers
ARESTADO ang dalawang babae na kapwa pekeng dentista sa entrapment operation sa Camella Homes, Villa Kanangga, Butuan City, Linggo ng hapon.
Kinilala ni Police Colonel Joseph Boquiren, hepe ng Criminal and Investigation Group – Caraga, ang mga naaresto na sina Hazel Murillo, 22 anyos; at Analie Abasol, 29, kapwa residente ng Davao City.
Nahuli ang dalawa sa inuupahang bahay sa Camella Homes, Villa Kanangga, Butuan City.
Ayon kay Boquiren, nagsasagawa na sila ng hakbang sa Regional Anti Cybercrime Unit (RACU 13) kung saan maaring sampahan ng kaso ang dalawa dahil sa pang-aakit sa mga kliyente gamit ang online page sa social media.
Pinaniniwalaan din na hindi lang dental braces ang inaalok ng dalawa dahil nakakuha ang mga awtoridad ng mga gamit ng dentista para sa pagbunot ng ngipin.
Kakasuhan ang mga ito bilang online scammers, bukod pa sa paglabag sa RA 9484 (Philippine Dental Act of 2007).
Nakakulong ngayon sina Murillo at Abasol sa tanggapan ng CIDG Agusan del Norte Field.