Advertisers

Advertisers

Higit 31K traditional jeeps sa Metro Manila nanganganib mawalan ng prangkisa – LTFRB

0 10

Advertisers

MAHIGIT sa 30,000 na mga traditional jeepneys sa Metro Manila ang hindi pa na-consolidate, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Batay sa datos ng LTFRB, aabot sa 73.5 percent o katumbas ng 31,058 na traditional jeep ang kailangan ma-consolidate bago ang Disyembre 31 na deadline para sa consolidation ng mga public utility vehicles bilang bahagi ng PUV Modernization Program.

Sakaling hindi ma-consolidate ang mga ito ay pinangangambahang mawawalan sila ng prangkisa kapag natapos na ang deadlines.



Aabot naman sa 66% na mga jeepneys ang hindi rin nakapag-consolidate sa Calabarzon at 63 percent naman sa Zamboanga, Peninsula.

Base rin sa nationwide data na mayroong 30 percent ng mga jeepney units ang kailangan pang mag-comply sa consolidation deadlines.



Matatandaang sinabi mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na sila magbibigay pa ng extension kapag natapos na ang consolidation deadlines.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">