Advertisers

Advertisers

Criminology stude timbog sa pagtutulak sa droga

0 4

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaking estudyanteng nag-aaral sa kolehiyo sa drug buy-bust operation sa Purok-2, Barangay 23, Gingoog City, Misamis Oriental noong Biyernes.

Kinilala ang naaresto na si Richfield Felicilda Buctoan, 20 anyos, college student sa kursong criminology, at residente ng Barangay Kibungsod, Magsaysay, Misamis Oriental.

Sa report, nabilhan si Buctoan ng isang puseur buyer na pulis ng isang maliit na sachet ng shabu.



Sa pagpapatuloy ng pagrekisa, nakuha sa kanyang posisyon ang 3 elongated heat-sealed sachet ng shabu at isang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana. Nabawi rin 500 pesos buybust money.

Nasa PNP Gingoog City ngayon ang suspek, sasampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o’ Comprehensive dangerous drug act of 2002.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">