Advertisers

Advertisers

3 tulak timbog sa P8M droga sa Bicol

0 4

Advertisers

Arestado ang tatlong katao at nasamsam ang mahigit P8 milyon halaga ng shabu sa isinagwang anti-drug operation sa Naga City, Camarines Sur nitong Linggo.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jamel Daligdig, Sobranel Paycana, at John Carlo Paycana sa Barangay Mabolo.

Ayon kay Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng PRO-5, na 1,210 gramo ng shabu na may tinatayang street value na P8.22 milyon ang narekober.



Kasama sa mga nakumpiskang ebidensya ang 12 knot-tied at tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Nasa kustodiya ng Police Station 5 sa Naga City ang mga suspek at mahaharap sa kasong kriminal sa paglabag sa Republic Act 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">