Advertisers

Advertisers

7 panabong tinangay ng akyat bahay

0 3

Advertisers

Tinangay ang pitong panabong na manok na nagkakahalaga ng P38,000.00 ng akyat bahay sa magkahiwalay na lugar sa Cavite.

Arestado ang suspek na si alyas Jonathan ng Barangay Manuyo 2, Las Piñas City; at alyas Jomar ng Sitio Mulawin, Barangay San Vicente 2, Silang, Cavite.

Sa ulat, 2:00 ng madaling araw nang maispatan ng mga opisyal ng Barangay Toclong 1-C sa Imus, Cavite sa kanilang CCTV ang pagpasok ni alyas Jonathan sa bahay ni John Rocky Amaro, 31 anyos, sa nasabing lugar sa pamamagitan ng pag-akyat sa bakod nito.

Nang makapasok, kinuha nito ng apat na panabong na nagkakahalaga ng P8,000

Tumakas ito lulan ng bisikleta pero sinundan siya ng mga tanod at opisyal ng barangay na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto at pagkakabawi sa ninakaw na mga manok.

Samantala, 2:30 nang madaling araw nang pasukin ni Jomar ang compound ni Segundo Timbal Gule, 48 anyos, ng Barangay San Miguel 1, Silang Cavite.

Tinangay nito ang tatlong manok na nagkakahalaga ng tig-P10,000 kada isa at saka tumakas.

Naaresto ito sa isinagawang follow at nabawi ang mga ninakaw na manok.