Advertisers

Advertisers

177 PARAK SA NCR KINASUHAN SA ILIGAL NA DROGA

0 12

Advertisers

IGINIIT ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na may mga aksyong ginagawa ang pamahalaan upang mapanagot ang mga opisyal na sangkot sa ipinagbabawal na droga.

Sa kalatas na inilabas ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni PBBM na tuloy ang mga hakbang para mapabuti ang mga komunidad at ang pamumuhay ng mga Pilipino.

Ibinida ng Pangulo na umabot na sa 177 police officers sa Metro Manila ang kinasuhan dahil sa drug-related offenses, kabilang ang pagtatanim na ebidensya, unlawful arrests, at excessive violence.



Nasa 151,818 cases naman na may kaugnayan sa iligal na droga ang naisampa ng Department of Justice (DOJ) noong 2022 at 2023.

Nasa 121,582 indibidwal ang naipakulong ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs.



Sinabi ni Pangulong Marcos na sa kampanyang ito ng pamahalaan ay hindi lamang pinapaganda ang komunidad at buhay ng mga mamamayan kundi iniiwas din ang mga kabataan sa masamang bisyo.

Ipinagmamalaki ng Marcos administration na nakakumpiska ito ng P10.41 bilyon na halaga ng illegal drugs mula Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon, habang mahigit 27,000 barangays ang napalaya mula impluwensiya ng ipinagbabawal na droga.(Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">