Advertisers

Advertisers

Flash flood victims sa Sarangani, inayudahan ni Bong Go

0 10

Advertisers

Nakipag-ugnayan ang Malasakit Team ni Senator Christopher “Bong” Go kay Mayor Alexander Bryan Reganit at nagsagawa sila ng relief activity para sa mga biktima ng flash flood sa Maitum, Sarangani Province noong Lunes, Enero 8.

“Kailangan nating pagtuunan ng pansin ang patuloy na pagbangon ng ating mga kababayan na naapektuhan ng mga kalamidad o anumang sakuna, kasama na dyan ang sunog, bagyo, lindol, buhawi, at iba pa,” ayon kay Go sa kanyang video message.

“Sa kadahilanang ito kaya napakahalaga na palakasin natin ang mga programa na nakatutok sa recovery ng mga apektadong komunidad. Hindi lang relief, kundi pati na rin pagdating sa pabahay, kabuhayan, edukasyon at kalusugan para sa mabilis nilang pagbangon,” idinagdag ng senador.



May kabuuang 119 biktima ng baha ang nakatanggap ng iba’t ibang tulong mula sa Malasakit Team ni Go sa municipal gymnasium.

Nagbigay rin ng tulong ang National Housing Authority (NHA) sa pabahay ng mga apektadong pamilya sa pamamagitan ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP).



“Isinulong din natin na mabigyan sila ng National Housing Authority ng ayuda pambili ng housing materials tulad ng pako, yero at iba pa upang maisaayos muli ang kanilang mga tirahan,” ani Go.

“Itong programa ng NHA ay isinulong ko noon at patuloy na sinusuportahang mapondohan ngayon upang mas marami pang mga biktima ng sakuna ang makapagpatayo ng maayos na bahay at makabangon muli mula sa trahedya,” idinagdag ng mambabatas.



Sa Senado, inihain ni Go ang Senate Bill No. (SBN) 188, na layong lumikha ng isang Department of Disaster Resilience (DDR). Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng concentrated at cooperative approach sa disaster management.

Binanggit niya ang mga potensyal na responsibilidad ng departamentong ito, kabilang ang paghahanda bago ang mga sakuna, pakikipagtulungan sa mga yunit ng lokal na pamahalaan, at mga pagsisikap sa pagrekober pagkatapos ng kalamidad.

Higit dito, co-sponsor si Go at isa sa mga may-akda ng SBN 2451, o ang Ligtas Pinoy Centers bill, na pangunahing isinulong ni Senator Jinggoy Estrada.

Ang panukalang batas na ito, batay sa Mandatory Evacuation Center bill na naunang inihain ni Go, ay layong magtatag ng mga permanente at well-equipped evacuation centers sa buong bansa.

Samantala, muling ipinaalala ni Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography sa mga residente na maaari silang mag-avail ng medical assistance program mula sa gobyerno sa pamamagitan ng Malasakit Center na matatagpuan sa Dr. Jorge P. Royeca Hospital sa kalapit na General Santos City.

Ang Malasakit Centers Act of 2019, na pangunahing inakda at itinataguyod ni Go, ay pinagsasama-sama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, tulad ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health (DOH), Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office, sa iisang bubong upang magbigay ng tulong-medikal sa mahihirap na pasyente.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 159 Malasakit Centers sa buong bansa na nakapagsilbi na sa halos 10 milyong Pilipino.