Advertisers

Advertisers

Kiray proud ‘pag pinupuri ng mga bading ang kaguwapuhan ng dyowa

0 23

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

AFTER “I Love You To Death”, balik sa pagbibida si Kiray Celis sa pelikulang “Malditas of Maldives” na isinulat at idinirehe ni Njel de Mesa sa NDM Studios.

Ayon  sa Palanca-award winning filmmaker, ang nasabing pelikula ay isang komentaryo tungkol sa vloggers na mahilig magdaot ng mga artista para mag-viral lang ang kanilang mga videos sa social media na kadalasan ay nagiging toxic practice na.



Sa naturang pelikula na kinunan pa sa Maldives ay ginagampanan ni Kiray ang papel ni Padma, isang vlogger na pumunta sa nasabing lugar para i-stalk, sirain at i-bash sa socmed ang isang socialite na artista na ginagampanan ni Arci Munoz.

Sa comedy-drama na ito, first time niyang makakasama ang dalawang nagseseksihang co-stars na sina Arci at Janelle Tee.



Ani Kiray, hindi raw siya na-insecure sa kaseksihan ng kanyang co-title rolers.

Never din daw niyang naisip na ang pagpunta nila roon ay para makipagkumpentensiya siya sa dalawa sa pagdi-display ng alindog.



“Wala. Bata pa talaga ako, di ako naiinggit. Parang happy lang ako. Actually, sobrang saya ko ngayon. I mean, ito iyong life ko. Ito iyong pinakamasaya ko, so walang room para mainggit ako sa ibang tao. Aside from that, I’m happy for them kung anong meron sila. Iba’t iba naman tayo ng ginagawa sa buhay at iyong mga katawang ganyan nakuha nila iyan kasi pala-work out sila, pala-diet. I mean, di mo naman makukuha lang iyan na di ka nag-e-effort o walang ginagawa, kaya happy lang ako sa kanila,” aniya.

Wala rin daw siyang dapat ikainggit sa dalawa lalo pa’t naniniwala naman siyang may sarili siyang kakanyahan na wala sa co-stars.

“Kailangan ko rin talagang i-embrace sa sarili ko na talagang di ko puwedeng i-compare ang sarili ko sa iba. Besides, nasa company ako ng happy people. Masaya iyong kuwarto ko, masaya ang pamilya at bahay namin, masaya ako sa mga kaibigan ko. Masaya ako na may mabait at loyal akong dyowa, so ano pa ang hahanapin ko. I mean, three years old pa lang ako nagtratrabaho na ako at natutulungan ko ang family ko, so ano pang kulang sa akin? Eh, masaya naman ako dahil patuloy na dumadami ang mga kaibigan ko,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, kung noon daw ay sobra siyang mapagpatol sa bashers, na-realize raw niya na hindi ito worth her time.

“Kung tatanungin ako, noon. Sobra. Pero ngayon, na-realize ko, kailangan ko palang lumayo sa mga toxic na tao dahil di sila kailangang patulan,” ani Kiray.

Ang haba naman ng hair na sinabi na proud siya kapag may humahanga o umaali-aligid sa kanyang guwapong dyowa na si Stephan Estopia.

“Natutuwa ako kapag kino-complement ako kunwari ng mga bakla na lumalapit sa akin na “Oy, ang pogi ng boyfriend mo.” Super talaga. Very supportive ako, ganoon ako. Alam iyon ng mga close friends ko. Nasaksihan naman nila kung gaano ka-gentleman, ka-supportive iyong dyowa ko. Sa shoot namin sa Maldives, siya pa iyong tagabitbit ng mga maleta ko. So, talagang proud ako dahil bukod sa guwapo, legit naman talagang mabait at loyal siya sa akin. Actually, ako talaga ang alagain sa amin,” pagtatapos niya.

Ang “Malditas in Maldives” ay tungkol sa kwento sa tatlong matataray na vloggers na ayaw magpakabog sa isa’t isa hanggang sa malaman nilang paulit-ulit lamang ang buhay nila sa mala-paraisong South Palm Maldives!