Advertisers
SOONER rather than later ang pagtingin ng House of Representatives sa timeline para talakayin ng dalawang Kapulugan ng Kongreso ang restrictive economic provisions sa Charter Change o econ-chacha.
Kamakailan, humarap sa isang press briefing sina House committee on appropriations senior vice chairperson at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo at House committee on ways and means chairman at Albay Rep. Joey Salceda at ipinaliwanag ang timeline upang masimulan ang talakayan sa Econ chacha.
Bagamat kakaunti lamang ang panahon para tutukan ang usaping ito, binigyang-diin ni Quimbo ang pangangailangan ng agarang pagkilos sa usaping charter change dahil kaunting panahon lamang ang natitira.
Maraming miyembro ng 19th Congress ang sang-ayon na baguhin ang 1987 Constitution.
Nag-aalala rin si Aklan 2nd district Rep. Teodorico Haresco, vice chairman ng House committee on appropriations sa maaring mangyari kapag hindi natuloy ang Econ chahcha.
Palaging kulelat ang Filipinas sa mga Asian countries gaya ng Malaysia, Thailand at Singapore pagdating sa pag-amiyenda sa konstitusyon.
Siyam na beses nag-amiyenda ng kanilang konstitusyon ang Singapore mula 1965, ang Malaysia 61 beses mula 1957 at 20 beses naman ang Thailand mula 1932.
Sa ganitong mga pagbabago, kapansin-pansing ang pag-amiyenda ng kanilang Saligang Batas upang magsimula ang economic development naaayon sa global changes.
Ang sabi ni Haresco, habang lumalago ang ating ekonomiya, hindi naman umaasenso ang kabuhayan ng ating mga kababayan kumpara sa mga kalapit na bansa.
Sa pag-amiyenda sa restrictive economic provision ng Constitution partikular sa foreign ownership, sinabi ni Haresco na ito ang magiging susi para ma-maximize ang ating potensyal sa ekonomiya katuwang ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa Bagong Pilipinas.
Sa report ng Nomura Global Markets Research, kabilang ang Pilipinas ang malamang na ‘Asia’s striving tiger cubs’ mabilis na galago ang ekonomiya ngayon dekada.
***
BOYAA Select with ex-PBA players vs Saan Ka Pa?
BAGO ko umpisahan ang kwentong basketball, nagpapasalamat ang BOYAA select basketball team kay Alex Rodriguez sa kanyang walang sawang pagtulong sa mga aktibidad ng BOYAA. Si Alex at Baby Jun Draper ang nag-sponsor ng aming uniform.
Sina Roland Go, Boying Cajayon, Vhoie Mapoy at Angel Roman ang naghanda ng pagkain. Sina Gado Cuevas, Along Eugenio at Pat Costales naman sa mga drinks. At syempe, salamat din kay Jun Cordeta sa pagpapaunlak sa kanyang bahay na maging holding area.
Salamat din kay coach Turo Valenzona na nagbigay ng moral support at pagbisita sa BOYAA at kay Pastor Ed Canlas na nagbigay ng maiksing mensahe at nag-opening prayer. Maraming salamat din sa mensahe at naging punong-abala sa palaro na sina 2024 BOYAA president Vill Asuncion at Bgy. 188 Kagawad Eddie Balacania. Salamat din kay Rommel Panlilio, ang aking bayaw na magaling na game announcer at sa namahala ng score board stop watch timer.
Sa iskor na 88-78, nanalo ang BOYAA Select laban sa Saan Ka Pa? sa isang Friendly basketball game nitong nakaraang Friday, February 16 sa Barrio Obrero Youth Athletic Association (BOYAA) basketball court.
Dahil matagal na akong hindi naglaro ng basketball, tennis na kasi ang laro ko, sa last 2-minutes na ako naglaro sa second quarter.
Ang nakatutuwa, kasama namin naglaro ang apat na former PBA (Philippine Basketball Association) players na sina Onchie de la Cruz, Elmer Reyes, Harmond Cordinera at si Bong “Mr. Excitement” Alvarez.
HIndi man ako naka-shoot, pinawisan naman ng kaunti dahil sa ilang balikang takbo. Ayos na ‘yun.
Medyo tumagal sa laro sina Pareng Angel at Jonge pero naka-ilang tira rin bago nila nakuha ang tamang asinta ng ring. Si Pareng Boyet naman isang tira lang nagpa-substitute agad. Si Alvin akala ko sumubsob 0Eddie Balacania na naging abala sa pag-aasikaso sa BOYAA select players.
Pero ang higit na mas mahalaga, nagkaroon kami ng malaking pagkakataon na magkita-kita ulit ang mga manlalaro na nagsimulang mag-dribble at mag-shoot ng bola sa BOYAA court, na maituturing na isang institusyon pagdating sa larangan ng basketball.
Nasabi kong isang institusyon dahil hindi lang isang basketball player ang nagsimulang maglaro sa BOYAA na sumikat sa kanilang panahon. Naglaro sa iba’t ibang eskwelahan at sikat na basketball team sa bansa katulad ng YCO Painters, Ysmael Steel, Mariwasa, ang ilan dito.
Bukod kina Onchie, Elmer, Harmond at Bong na dating mga PBA players, sa BOYAA basketball court, aspaltado pa noon, unang naglaro sina Manny Jocson, Ruel Nadurata, Epoy Alcantara, ang magkapatid na Boy at Joe Arazas, Rey Vallejo, Monching Estrella, ang magkapatid na Popoy at Eddie Maximo, Joy Cleofas, Tonio Cabral, ang magkapatid na Jake at Bambi Enriquez, Mark Telan at ang tinaguriang “Angas ng Tundo” na si Paul Lee, ang ilan sa kanila.
Napabilang sa Philippine mens basketball team sina Jocson, Nadurata, Alcantara Arazas, Cleofas, at ang huli si Paul Lee.
Ang hindi ko makalilimutan noong elementary days, kami nina Jun Balacania, Zaldy Joves, Toti Bautista, Brando Miranda at former Prosecutor General Jun Catalan at iba pa ang kauna-unahang basketball team selection sa BOYAA. Dala namin ang pangalang Barrio Obrero Elementary School. Uniform namin T-shirt na puti at khaki short pants, at di pa yata uso ang brief, hahahaha.
Maipagmamalaki rin ng BOYAA ang mga batikang sports writers, ang beteranong si Tito Talao ng Tempo/Manila Bulletin at ang aking anak na panganay na si Waylon Galvez ng Manila Times at host ng sports TV program Chase Down sa channel 5.
Masasabi kong hindi magiging makasaysayan ang BOYAA kung wala ang isang taong hindi matatawaran ang sipag at pagpupunyagi sa kanyang walang-sawa at taus-pusong pagtulong sa mga basketball players na nagnanais makapaglaro sa malalaking paliga ng basketball, si Conrado “Ka Rading” Garcia, ang kinilalang ama ng BOYAA. Ka Rading, maraming salamat sa lahat ng kontribusyon mo sa BOYAA. Ikaw ang totoong “alamat” ng BOYAA!
Kabilang sa players ng 2024 BOYAA Select ang magkakapatid na Angel, Jun, Alvin at Mandy Roman, Jun Asuncion, ang president ng BOYAA na si Vill Asuncion, Jun Cordeta, Jojo Catacutan, Roland Go, Bgy. 188 Kagawad Eddie Balacania, Boyet Balacania, Baby Jun Draper, Ton Estrella, Ariel Longalong, Pat Costales, Jun Panlilio, Bong Alvarez at Elmer Reyes.
Isama na natin sa line up sina Timmy Panlilio, Tunying Maat, Benny Magpoc at Bgy 187 chairman Jojie Marcelo. Kaya pa sana nilang maglaro, kaya lang tatluhan na lang, hehehe.
Next year, magkita-kita ulit tayo sa BOYAA basketball court para sa isa pang friendly basketball game. Walang fastbreak, lakad lang at walang takbo.
Salamat sa inyong lahat!