Advertisers
Nasungkit ng Northern Police District ang Medalya ng Papuri (PNP Commendation Medal) mula sa National Capital Region Police Office na pinamumunuan ni NCRPO Director PMGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr, at ginanap sa NCRPO Grandstand , Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
Naging tampok ang pagbibigay ng mga parangal sa NCRPO personnel na may notable accomplishments sa kampanya laban sa iligal na droga sa mga ikinasang buy-bust operation.
Iginawad ang Medalya ng Kagitingan (PNP Medal of Merit) kina PCpt. Laurente T Teaño- EPD; PSSg Mario C Maramag, SPD; PSSg John G Alinsoot, QCPD; PSSg Ronnie I Tan, MPD; PCpl Valentin O Don, SPD; PCpl Juan Paulo M Macaya, EPD; at Pat Julius S Salviejo.
Samantala, tinanggap ng NPD ang Medalya ng Papuri (PNP Commendation Medal).
Sa anti-criminality campaign, iginawad ang Medalya ng Kagalingan kina PCpt. Darwin S. Inosentes- QCPD; PSSg Roberto John N. Honrado, NPD at PCpl Jeffrey L Toledo, MPD.(Beth Samson)