Advertisers

Advertisers

Sub-leader ng ASG, 1 pa todas sa bakbakan sa Sulu

0 207

Advertisers

DALAWANG miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang nasawi sa engkwentro sa mga tauhan ng Joint Task Force Sulu nitong Biyernes ng madaling araw.
Ayon kay AFP WestMinCom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., sa ulat na isinumite ni 4th Marine Brigade Commander Col. Ruben Candelario, nagsasagawa ng combat operation ang Marine Battalion Landing Team-1 sa Bud Bawis Complex, Barangay Kawasan, Panamao, Sulu nang makasagupa nila ang grupo ni ASG sub-leader Hatib Munap Binda 5:45 ng umaga.
Tumagal ng 30-minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pag-atras ng mga rebelde.
Na-recover ng mga sundalo ang katawan ni Binda, isang M16 rifle, at isang M14 rifle.
Sa isinagawang pursuit operations sa mga tumakas na terorista, muling nagkaroon ng engkwentro 6:45 ng umaga. Isang Bensio Barahama ang nasawi sa naturang operasyon.