Advertisers
MAHIGPIT na babantayan ng pamahalaan ang mga posibleng manipulasyon sa presyo ng mga bilihin sa paparating na La Niña kung saan inaasahan ang mas madalas at mas malalakas na pag-ulan.
Ito’y alinsunod na rin sa whole-of-government approach ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ukol dito upang maprotektahan ang mga consumers.
Ayon kay DTI Sec. Alfredo Pascual, mananatiling aktibo ang pagpapatupad ng mga regulasyon, at ang sinumang mahuhuling dawit sa illegal price manipulation ay parurusahan sa ilalim ng batas.
Makikipagtulungan din ang DTI at DILG para sa pag-reactivate ng local price coordinating councils upang maprotektahan ang mga mamimili.
Ipinaalala rin ni Pascual na awtomatikong ipatutupad ang price control sa mga lugar na isasailalim sa state of calamity.
Inaasahang magsisimula nang umiral ang La Niña sa mga susunod na buwan. (Gilbert Perdez)