Advertisers

Advertisers

Dingdong, Vice at Angel pantapat sa mag-uutol na Duterte sa eleksyon; Greta vs Yul salpukan sa pagka-bise sa Maynila

0 21

Advertisers

Ni Jimi Escala

SA isang umpukan ng mga kasamahang kagawad ay napadako ang usapan namin sa mga taga showbiz na posibleng pumalaot sa pulitika.

Siyempre, sa Maynila ay andyan at nag- iikot na sa Tondo ang anak ni Yorme Isko Moreno na si Joaquin Domagoso.



May mga pangalan pang lumutang pero mga hindi pa nagpaparamdam. Isa sa matunog na pangalan na tatakbo raw bilang Vice Mayor ay ang aktres na si Gretchen Barretto. Makakalaban ni Gretchen kung sakali ang nakaupong kasalukuyang bise alkalde at aktor na si Yul Servo.

Isa pa rin sa makakatapat ng dalawa ay si Ali Atienza na anak ni dating mayor Lito Atienza.



Si Yul ang bise ni incumbent mayor Honey Lacuna, Ali Atienza bise ng nagbabalik na si Yorme Isko at si Gretchen daw ay katiket ng isang independent candidate, huh!

Matindi rin ang bakbakan para sa congressman, siyempre nangunguna pa rin sa survey ang incumbent working congressman ng first district na si Cong. Ernix Dionisio, huh!



***

SA politics pa rin, muling napag-usapan ang posibilidad ng pagtakbo bilang senador ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa darating na mid-term elections sa 2025.

Tuluy-tuloy pa rin kasi ang pagtulong ni Dingdong at ng asawa nitong si Marian Rivera lalo na nung katatapos na mga nasalanta ng habagat at bagyong Carina.

Siyempre, isang reservist ng Navy si Dingdong kaya tumulong ang aktor, huh!

Si Marian naman ay super visible pa rin at tumutulong sa pagre-repack ng relief goods na pinamimigay nila sa mga nasalanta ng katatapos na kalamidad, huh!

Kaya nga raw maaring tumakbo bilang senador ang Takilya King.

In fairness, pasok sa survey si Dingdong among sa mga senatoriables, huh!

Matatandaang nauna nang napag-usapan ang tungkol sa pagkandidato ni Dingdong kasama ang dalawa pa niyang kapwa artista na sina Vice Ganda at Angel Locsin na sinasabing pantapat daw sa magkakapatid na Duterte na magbabalik din daw na tumakbong senador, huh!