Advertisers
SINIMULAN ng defending champion Bacoor Lady Strikers – Metro Land Builders ang bagong season ng Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) sa traight sets victory laban sa ICC Negros Lady Blue Hawks Linggo, Agosto 11, sa tahanan ng Strikers gymnasium.
Reigning Most Valuable Player Shaila Omipon nagtala ng game-high 17 points,16 excellent attacks sa 42 attempts at block upang pamunuan ang Lady Strikers sa 25-17, 25-19, 25-17 wagi laban sa Lady Blue Hawks, ang maiden season finalist.
Middle blocker Winnie Bedana umiskor ng 11 points,Charisse Enrico nagdagdag ng 11 points at rookie Jemma Menor bumakas ng 4 points at 10 good serves para sa Sandy Prieto -coached team.
Samantala, ang Lady Blue Hawks ay pinamunuan ni Gelah Lopez sa iniskor na 11 points, habang sina Ivy Aquino at Andrea Capara nagdagdag ng tig-7 points.
Ang pangkat ng Bacoor players ay mula sa University of Perpetual Help System Dalta.
Ang susunod na makakaharap ng Bacoor ang Rizal Xentro Mall Martes, Agosto 13, sa parehong venue.