Advertisers
NABUWAL ang pader sa Cainta, Rizal na humaharang sa tubig mula sa Antipolo City.
Partikular ito sa Eastville, Filinvest, Village East at Kingsville Court.
Ayon kay Cainta Mayor Johnielle Keith Nieto, onsite na ang rescuers para maagapan ang mga posibleng mangyayari.
Dahil sa insidente, mabilis na pumasok ang tubig sa mga village.
Sinabi ng ilang residente na hanggang bewang na ang baha at ngayon lang ito nangyari sa kanila.
Dahil sa baha, naglabasan din ang mga ahas. Dalawang sawa ang nahuli ng mga residente na kumapit sa sanga ng puno.
May puno rin na bumagsak at nagkalat ang mga basura.