Advertisers
Personal na binisita ni Mayor Along Malapitan ang iba’t-ibang evacuation centers sa lungsod para mamigay ng relief packs sa mga evacuees sa gitna ng bagyong #EntengPH.
Kabilang sa mga nasabing evacuation sites na pinuntahan ni Malapitan ang Mountain Heights, Barangay 183; Camarin D Elementary School, Barangay 178; at Malaria, Barangay 185.
At kabilang sa ipinamahagi ng LGU sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction Management Department (CDRRMD) at City Social Welfare Development Department (CSWDD) ang medical check-up, hot meals, tents, at sleeping kits.
Nasa kabuuang 632 residente naman ang nakinabang sa tulong na karamihan mula sa mga binahang barangay sa lungsod.
Patuloy naman ang paalala ng LGU sa mga residente na manatiling alerto at tumawag sa emergency hotline na 888-ALONG(25664) kung kinakailangang ng agarang responde o tulong sa paglikas.
Tiniyak ni Mayor Along Malapitan sa kanyang mga nasasakupan na patuloy na magiging alerto ang pamahalaang lungsod upang epektibong ma-monitor at agarang tumugon sa anumang emergency na sitwasyon na dala ng nasabing bagyo.(BR)