Advertisers
Pinangunahan ni Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, ang pagpriprisinta ng mga nakumpiskang mga hindi lisensyadong mga baril o loose firearms, sa ginawang press briefing kaninang umaga September 3, 2024 sa loob ng Camp Vicente P. Lim, sa lungsod ng Calamba, Laguna.
Ayon kay General Lucas na ang kanilang kumpanya kontra loose firearms ay bilang paghahanda na rin sa nalalapit na Midterm Elections sa taon 2025 upang mapangalagaan ang katahimikan at kaayusan sa kritikal na sitwasyon ng darating na araw ng eleksyon.
Mula aniya January 1 hanggang August 31, 2024 ay nakapagsagawa ng matagumpay na 60,332 police operations ang PRO Calabarzo kabilang na dito ang pagsisilbi ng mga Search Warrants, Checkpoints, Oplan Bakal/Sita, police patrols responses at Oplan Katok na kung saan ay nakapagtala ng kabuoang nabawing bilang ng mga nasamsam ay 2,929 loose firearms kabilang na dito ang 991 confiscated firearms, habang 1,938 fireams ang safekeeping, nakakumpiska din ng 2,899 small firearms, 30 lightweight weapons at 92 homemade firearms, kasama ang 317 bilang na dinala sa crime laboratory para masuri.
Dagdag pa ni General Lucas, dahil umano sa sunod sunod na matagumpay na police operations ng PRO Calabarzon ay mayroon 612 indibidwal ang inaresto at 606 dito ang kinasuhan sa korte at dahil na rin sa aktibong kooperasyon ng kumunidad para ireport ang mga nangyayaring illegal activities sa bawat lugar lalo na ang mga involved sa pag-iingat ng mga loose firearms.(KOI LAURA)