Advertisers

Advertisers

Crew ng BRP Teresa Magbanua nabuhay sa lugaw at tubig-ulan

0 23

Advertisers

SASAILALIM sa physical, medical at psychological examinations ang mga opisyal at tauhan ng BRP Teresa Magbanua (MRRV 9701) ng Philippine Coast Guard matapos ang mahigit apat na buwan na pagbabantay sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea (WPS).



Ito ang sinabi ni Commodore Jay Tarriela, ang tagapagsalita ng PCG, dahil aniya sa nakalipas na tatlong linggo ay nabuhay ang mga opisyal at tauhan sa lugaw at tubig-ulan na ang kanilang iniinom dahil nasira ang desalination equipment ng barko.

Ayon kay Tarriela, hanggang noong Hulyo ay maayos pang naisagawa ang resupply missions sa BRP Magbanua hanggang sa maging agresibo na ang puwersa ng China sa pagharang ng pagpapadala ng mga suplay noong nakaraang buwan.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">