Advertisers

Advertisers

Vice Gov. ng Benguet kinasuhan ng ‘graft’ sa Ombudsman

0 69

Advertisers

Sinampahan ang Vice Governor ng Benguet ng kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman sa paglabag sa anti-graft and corrupt practices act, at paglabag sa local government code of the Philippines ng isang grupo ng civil society organization nitong Miyerkoles ng umaga.

Nabatid na may kinalaman ang kaso sa hinihinalang umano’y 30 infrastructure project na nakuha ng Tagel Corporation, isang kumpanya na umano’y pagmamay-ari ni Benguet incumbent Vice Gov. Ericson Felipe.

Sa ilang pahinang reklamo ng complainant na si John Chiong, founder at chairman-president ng Task Force Kasanag, na batay sa kanyang isinampang kaso kaduda duda umano ang mahigit 1.6-bilyong pisong kinita ng Tagel Corporation sa ibat-ibang  mga proyekto sa Apayao dahil sa impluwensiya umano ng vice governor bilang opisyal ng local government.



Sinabi pa sa reklamo ni Chiong, hinihinala na ginamit umano ni Vice Gov. ang kanyang posisyon sa gobyerno para pumabor sa kanyang negosyo ang proyekto.

Ayon pa sa reklamo na katunayan aniya na si Vice Gov.. din ang nakarehistrong may-ari sa 60-percent share ng  Tagel Corporation.

Nabatid pa kay Chiong sa kanyang reklamo na malinaw na conflict of interest ito sa vice governor at paglabag sa nakasaad sa umiiral na mga batas para sa lahat ng mga nakaupong mga government official.

Samantala, kinukuha ang panig ni Vice Gov. Felife, hinggil sa isinampang kaso laban sa kanya ng civil society group subali’t nabigong makuha ang panig nito.

Samantala batay sa hawak na rekord ng grupong Task Force Kasanag, nakakuha umano ng 12 proyekto na nagkakahalaga ng 632-million pesos ang Tagel Corp. sa Apayao noong 2012 at 18 projects naman noong 2023 na nagkakahalaga ng mahigit isang bilyong piso.(Boy Celario)