Advertisers

Advertisers

Julie Anne nag-sorry nang i-bash sa pag-perform nang seksi sa simbahan

0 32

Advertisers

Ni Rommel Placente

ISA si Julie Anne San Jose sa nag-perform sa isang benefit concert sa Mamburao, Mindoro, noong October 6, 2024 na pinamagatang Heavenly Harmony Concert, Harana Para Kay Maria, na ginanap sa simbahan ng Nuestra Señora Del Pilar Shrine.

Kasama ni Julie Anne na nag-perform ang The Clash Season 3 champion na si Jessica.



Nag-trending ang video ng performance ng singer-actress kung saan humataw siya sa tugtuging Dancing Queen habang naka gown na may slit

Pinuna ito ng ilang netizens dahil kumanta si Julie Anne sa altar na pinagmimisahan.



Pero ipinaliwanag ng ilang taong malapit kay Julie Anne na bago sila pumunta sa naturang event, pina-approve raw nila lahat ito sa organizer ng concert.

Pati ang suot ni Julie Anne at ang lineup ng kakantahin niya ay pina-approve rin.



Nilinaw nilang hindi naman iyon religious concert, kahit sabihin pang sa simbahan ito ginanap.

Samantala, naglabas na ang GMA Sparkle management ng official statement hinggil sa isyu ngayon kay Julie Anne.

Inako ng Sparkle ang responsibilidad sa nag-viral na video nito kung saan nakatikim nga siya ng pambabatikos mula sa netizens.

Pagkatapos maglabas ng official statement ang GMA Sparkle Artist management tungkol kay Julie Anne, naglabas din ng pahayag ang singer-actress tungkol sa kinasasangkutan niyang kontrobersya.

Nag-post siya sa kanyang social media accounts para iparating sa publiko ang kanyang taos-pusong pagso-sorry.

Post ni Julie Anne“I am offering my apologies.

“Even though my only intentions were to share joy and to give support to the church through the benefit concert, many have felt offended about the incident I was in and with my performance which caused distress.

“I truly, sincerely apologize. This is a lesson learned and it is assured that it will not be repeated,” pangako ng Kapuso star.

Pagpapatuloy pa niya, “I am not perfect but please know that I have strong beliefs and my faith is unbreakable and cannot be shaken.

“I pray that we can all move forward with compassion in our hearts.

“Thank you.”

O ayan,at least nagawang mag-apologize ni Julie Anne sa nagawa niyang pagkakamali. Kaya sana naman ay huwag na siyang i-bash, di ba?

***

DAHIL sa madalas magkasama sa ASAP Natin ‘To, at madalas pang magkasama sa spiels, binubuhay ng kanilang mga fan ang MayDon (Maymay Entrata-Donny Pamgilinan)

Kaya naman ang mga fan nina Donny at Belle Mariano, ang DonBell fans, ay umaalma. Bakit daw kailangang i-link muli ang dalawa gayung may Belle nang ka-loveteam si Donny?

At sinabi naman daw ni Maymay noon na walang namamagitan sa kanila ni Donny at friends lang silang dalawa.