Advertisers
Ni Oggie Medina
NAPAKINGGAN at napanood si Bro. Eddie Villanueva sa Light TV ng 6 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.
Siyangapala, ang Jesus Is Lord (JIL) Church Worldwide ay nagdiwang ng 46th Anniversary nitong nakalipas na Oktubre 12 sa Luneta, Manila simula 3 p.m. na may musical performances. Ang tema ngayong taon ay “Christ is the answer”, o si Hesus ang kasagutan batay sa Roma 7:25a (NLT Version): “Salamat sa Diyos! Ang sagot ay kay Jesucristo, ang ating Panginoon.” Ito’y napapanahon, dahil ang mundo’y puno ng sakit at kadiliman sa kasalukuyan.