Advertisers

Advertisers

EX-SK CHAIRMAN TINODAS NG PULIS!

0 62

Advertisers

Nasawi ang dating Sangguniang Kabataan (SK) chairman nang barilin ng isang pulis sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Kinilala ni sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) information office Maj. Nova Lyn Aggasid, ang biktima na si Charles Clinton Pugliatty Vadil, 30, dating SK chairman, at anak ng isang professor na si Carlo Vadil, vice president for Planning, Development and Information System ng Nueva Vizcaya State University.

Samantala, kinilala ang salarin na si Special Master Sgt. Kernel Cumahling, 24, nakatalaga bilang radio operator ng NVPPO Bayombong sa nasabing probinsya.



Ayon sa ulat ni Aggasid, sinabi ng Dupax del Norte Police Station (DdNPS) chief-of-police P/Maj. Rudil Bassit na nangyari ang insidente 11:02 ng gabi noong October 30 nang dumating ang biktima at kasamahan nito sa isang KTV bar sa Barangay Malasin at naabutan si Cumahling na natutulog sa mesa.
Ginising umano ng may-ari ng KTV ang salarin at umalis naman ito sa bar 12:00 ng madaling araw.

Pero bumalik ang pulis at pinagbabaril ang biktima sa ulo at katawan na agad nitong ikinamatay habang tinamaan naman ng ligaw na bala sa tiyan ang isang Joel Boy Felix at dinala sa Region 2 Trauma and Medical Center para sa medical treatment.



Sa hot pursuit operation, nakita si Cumahling na natutulog sa waiting shed sa Barangay Bitong.

Nakakulong na si Cumahling sa DdNPS at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">