Advertisers
Nasawi sa pamamaril ang 63-anyos na babaeng church pastor sa bayan ng Rodriguez sa lalawigan ng Rizal, noong Biyernes, Nobyembre 1.
Iniulat ng Police Region 4A nitong Sabado na ang biktima kinilalang si Ma. Fe Armiza, pastor ng Alpha Omega Church.
Sa ulat, kasama ang biktima ng grupo ng mga indibidwal 8:40 ng umaga, na nagsusukat ng lupain sa Barangay San Isidro.
Biglang dumating ang hindi natukoy na lalaki at tinawag ang atensyon ng biktima sa pamamagitan ng pagsigaw sa pangalan nito bago ito barilin.
Tumakas ang salarin matapos ang pamamaril.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng gunman at motibo sa likod ng insidente.