Advertisers

Advertisers

2 bgy. tanod patay, 6 sugatan sa araro ng jeep sa Batangas

0 48

Advertisers

Nasawi ang dalawang barangay tanod at anim ang sugatan nang araruhin ito ng isang jeepney sa Barangay Tulo, Batangas City nitong hapon ng Biyernes, Nobyembre 1.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jocelyn Claro Macatangay, 49; at Arnold Ebora Calaluan, 49, mga tanod ng Barangay Tulo.



Sugatan naman ang mga kasamahan nilang sina Raul de Castro Soriano, 55; John Rommel A. Dinglasan, 32; Alex Sara Perez, 32; Nelson P. Casao, 49; Nick Ilagan Banaag, 42; at Danilo C. de Castro, 63.

Sa imbestigasyon, inararo ng jeepney na minamaneho ni Gado Perez mula Lobo, Batangas ang mga biktima na naka-duty sana para sa paggunita ng Undas.



Dinala sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang patay ang dalawa sa kanila.

Napag-alaman na lasing si Perez nang mangyari ang aksidente.



Pansamantalang nakaditine ngayon sa Batangas City Custodial Facility ang driver na si Perez at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide at multiple physical injuries si Perez.(Koi Laura)