Advertisers
Timbog ang isang construction worker na wanted sa kasong rape nang masakote sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, Lunes ng hapon.
Sa ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naresto na si alyas “Jun-Jun”, 26, ng Brgy. Longos na nakatala bilang top 5 most wanted person sa NCRPO at No. 2 TMWP naman sa NPD.
Katuwang ang mga tauhan ng NPD-DSOU, nang magsagawa ang WSS ng Malabon police ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado ala-1:30 ng hapon sa Hiwas St., Brgy. Longos.
Ang akusado na nakatala naman bilang No. 3 top MWP sa Malabon binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Catherine Therese M. Tagle-Savador ng RTC Branch 73, Malabon City para sa kasong Rape na may petsang October 28, 2024.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Malabon police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.(Beth Samson)