Advertisers

Advertisers

Dating sundalo nakapatay ng construction worker, timbog

0 23

Advertisers

MAKALIPAS ang 3 araw na pagtugis nadakip ang dating sundalo na nakapatay ng construction worker sa Brgy. Siling Bata sa bayan ng Pandi.

Sa report na tinanggap ni OIC PNP Bulacan Provincial Director PCol. Franklin Estoro kinilala ang nadakip na si alyas Manny, 70-anyos, tubong Nueva Ecija, residente ng Siling Bata sa nabangit na bayan.

Base sa paunang imbestigasyon nangyari ang insidente ng pamamaril 11:55 ng hating gabi nito lamang Mayo 21 sa biktimang nakilalang si alyas Jose, 53-anyos tubong Buhol na residente rin sa naturang barangay



Nakumpiska mula sa suspek ang isang improvised shotgun, at anim na bala nito.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Pandi Municipal Jail na nahaharap sa kasong Murder at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act,at paglabag sa Omnibus Election Code.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">