Advertisers
DEAD on arrival sa pagamutan ng San Pablo District Hospital sa Laguna ang isang salarin habang arestado naman ang dalawa pang kasama nito na mga itinuturong dumukot at pumaslang sa isang 20-anyos na lalaking taga Lipa City, Batangas nang manlaban sa mga pinagsanib na puwersa ng mga otoridad ng San Antonio Municipal Police Station at Alaminos Municipal Police Station na mga nagsagawa ng follow up operation laban sa mga suspek, Huwebes ng umaga sa Brgy. Arawan ng San Antonio, Quezon.
Ayon sa ipinadalang report ni Quezon Provincial Police Office Director P/Colonel Reuben Lacuesta, kay PRO 4A Calabarzon Regional Director Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat na sangkot ang mga salarin sa pagdukot at pagpaslang sa biktimang si John Hubert Cruz, 23-anyos na isang Therapist at residente sa Brgy. Tambo ng Lipa City, Batangas, nuon June 10 ng taon ito na natagpuan sa Lipa-Alaminos by pass road sa Sta.Rosa, Laguna.
Kinilala ang nasawing salarin na si Aniceto Decepeda, 39 na taon gulang at taga Brgy.Tactac, Balayan, Batangas habang arestado naman sina 2. Gonzalo Salva, 38 taon gulang, residente sa Brgy, Sambat, Balayan Batangas at 3, Jay-R Silva Rosita, 38 anyos residente sa nabanggit na lugar sa Quezon.
Narekober mula sa mga suspek ang isang (1) Toyota Corolla na may UFX 827, isang (1)Toyota Vios na kulay puti may plakang UVY622, isang (1) cal.45 na baril na may laman na isang magazine at loaded ng mga bala, isang (1) cal.9mm na baril na may laman na isang magazine at bala.
Mahaharap ang mga salarin sa kasong Kidnapping with Murder at pansamantalang nakakulong ngayon sina Salva at Rosita sa Alaminos Holding and Detention Facility.(Koi Laura)