Advertisers
Natagpuang parehong wala ng buhay sa malalim na bahagi ng isang abandonadong quarry sa Barangay Cabaluay sa Zamboanga City na naging lawa na dahil sa nakapondong tubig ulan ang dalawang mga batang magkalaro na huling nakitang patungo sa naturang lugar noong Miyerkules ng umaga.
Sa mga hiwalay na ulat ng Zamboanga City Police Office at ng barangay officials sa Cabaluay, namatay sa pagkalunod sina Josua Anuddin, 8-anyos; at Ivan Apolinario, 10-anyos.
Natagpuan ang mga biktima ng mga residente at mga barangay officials na nakalutang sa tubig sa malalim na hukay sa naturang quarry noong Miyerkules ng gabi.
May teorya ang mga barangay officials sa Cabaluay na nagkasundo ang dalawang bata na maligo sa hukay at nalunod sa malalim bahagi nito.
Ayon sa mga kamag-anak, nararapat na maimbestigahan ng mas malalim ang kanilang pagkalunod dahil hindi sila naniniwalang nagkasundo ang dalawang maligo sa naturang mistulang lawa dahil hindi malinaw at marumi ang tubig doon.