Advertisers

Advertisers

4 lalaki tumanggay ng motor at pumatay ng negosyante, hinahanting

0 17

Advertisers

Nagpapatuloy ang manhunt operation ng mga pulis laban sa 4 na armadong lalaki na bumaril at tumangay sa motorsiklo ng biktimang negosyante sa Machine food stall sa Brgy, Bagbaguin sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan nitong Linggo ng madaling araw, Hunyo 22, 2025 .

Sa report na tinanggap ni OIC Bulacan PNP Provincial Director PCol.Franklin Estoro, kinilala ang biktima na si Crisaldo Dela Cruz y Mendoza, 37-anyos, negosyante ng Brgy. Sto. Tomas, sa nabangit na bayan habang ang apat na armadong salarin na lulan ng 2 motorsiklo.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis sa nag- iisang saksi na si alyas Princess, service crew ng Machine food stall, na dumating ang biktima sa kanilang tindahan para mag-dine in ng bigla na lamang dumating ang mga salarin kung saan agad na inagaw ang dalang shoulder bag ng biktima.



Kung saan pumalag ang biktima, at dito na bumunot ng baril ang isa sa apat na salarin at agad pinaputukan ang negosyante, at nang makuha ang bag, tinangay rin ng mga salarin ang NMAX motorsiklo at mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Bocaue.

Samantala, agad namang naisugod sa pagamutan ang negosyante, subali’t idineklarang dead on arrival ng attending Phycician ng Rogaciano Mercado Hospital. (Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">