Advertisers
KUNG dati ipinagbaba-wal ang paglalagay ng ballpen sa uniporme ng mga pulis, ngayon ibinalik na ito ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre III.
Ayon sa PNP Chief, kaniya nang pinapayagan na ilagay sa uniporme ang mga ballpen upang makadagdag ng dignidad at isang pagpapakita ng kanilang kahandaang makinig at tumalima sa naisin ng publiko.
Ginawa ni Torre ang kautusan makaraang hingan nito ng “feedback” ang mga pulis sa loob ng Kampo Crame hinggil sa kanilang kasalukuyang General Office Attire (GOA) type C.
Ayon sa PNP Chief, mahalagang malaman kung epektibo o kumportable ba ang bagong setup ng uniporme sa pang-araw araw nilang trabaho
Kasunod nito, inatasan din ni Torre ang PNP Directorate for Research and Development (DRD) na manguna sa survey para alamin ang pulso ng mga pulis.
Ngunit iminungkahi ni Torre na gawin na lamang itong bahagi ng “personal touch” sa uniporme, katulad ng simpleng relong isinusuot, basta’t ito’y minimal at may silbi.