Advertisers
Ni Archie Liao
PAGKATAPOS ng sunud-sunod na pagsubok sa Bahay ni Kuya, hindi naman napigilan ng ilang housemates at challengers ang maging emosyonal nang kumprontahin ng mga ito ang Final Duos sa matinding tapatan.
Sa pagbuhos ng emosyon, hindi nagpatinag si AZ Martinez nang kuwestiyunin siya nina Ashley Ortega at Shuvee Etrata kung bakit ito kailangang manatili sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”
Deretsahan din siyang tinanong kung magandang ehemplo siya sa kanyang housemates.
“Yes.I’ve been so open in this house to the point na I feel like I even overshare,” deklara ni AZ.
Kinontra naman siya ni Ashley sa kanyang naging pahayag.
“Paano ka nagpakatotoo sa akin? When you’re right in front of me, you’re a two-faced person. Are you even happy to see me right now? You’re saying, ‘I love you all,’ do you love me? No, you don’t. I know you don’t,” giit ni Ashley.
Resbak ni AZ :”Siguro ganon talaga ‘yung naramdaman ko sayo kasi hindi ko rin nakita na naging totoo ka.”
Sey naman ni Shuvee :”Feeling ko, AZ, hindi ka nagpapakatotoo.”
Hirit pa ni Shuvee, sinabi raw sa kanya noon ni AZ na kakampi siya.
Bago pa kasi sumali sa PBB ay dati nang magkaibigan ang dalawa.
“Here comes nominations, you had to nominate me because of the outside world, Is betrayal really your thing, AZ?”, paninita ni Shuvee.
No,” buwelta ni AZ. “You also voted me. You voted for River, but he’s still my duo, so basically you also voted for me,” dugtong niya.
Napailing na lang si Shuvee sa tinuran ni AZ.
Ipinagtanggol naman ni AZ ang kanyang posisyon at sinabing ang naging basehan ni Kuya sa nakaraang nominasyon ay ang journey ng bawat housemate.
“Hahanapan ko ba ng mali ‘yung ibang tao? Wala akong maling nahanap sa kanila,” hirit niya.
Sa puntong ito, inaasahan pang maraming maiigting na twist na magaganap sa Bahay Ni Kuya.
g maiigting na twist na magaganap sa Bahay Ni Kuya.