Advertisers

Advertisers

Student lane sa MRT-3 at LRT-2 binuksan na

0 6

Advertisers

MAY sariling lane na inilaan para sa mga mag-aaral ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) na layon ng nasabing lane ay para mapabilis ang pagpila ng mga mag-aaral.

Mula kasi noong ginawang 50 percent na ang diskuwento mula sa dating 20 percent sa mga mag-aaral ay tumaas ang bilang ng mga mananakay na estudyante.



Lahat ng mga mag-aaral kabilang ang mga post-gra-duate programs ay required na magpakita ng kanilang student IDs sa kasalukuyang taon o ang pruweba na sila ay naka-enroll para makakuha ng diskuwento.

Sinabi naman ni DOTr Secretary Vince Dizon na ang hakbang ay para mapabilis ang pagpila at ng hindi na maantala sa pagpasok ang mga mag-aaral.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">