Advertisers

Advertisers

MarNella muling binuhay, pahulaan ang bagong bibida

0 30

Advertisers

Ni Archie Liao

INANUNSYO ng isang allied site ng Kapamilya network na magiging serye na ang Wattpad novel na “I Love You Since 1892.”

Noong una kasing kina-conceptualize ito ay sina Janella Salvador at Marlo Mortel ang orihinal na naisip sa cast.

Since then, natengga ang proyekto at marami nang nagbago sa tandem.

Nai-partner na sa iba’t.ibang leading men si Janella at nagkaanak na ito pero nanatiling nakabitin sa limbo ang nasabing project.

Dahil naman sa development na ito, muling nabuhay ang pantasya ng MarNella fans.

Sey nila, sana raw ay matuloy na ang diumanoý naunsyaming project para kina Janella at Marlo.

May mga nagsabi ring posibleng maligwak ang MarNella at mapaboran ng mas batang cast tulad nina Kai Montinola at Kyle Echarri na nakitaan ng malakas na chemistry sa isang episode ng MMK.

May mga humihirit din na bagay sa nabanggit na roles nina Juanito at Carmela sina Seth Fedelin at Francine Diaz.

Siyempre, hindi naman padadaig ang JMFYang fans na iginigiit na swak sa nabanggit na roles ang magka-love team.

May humula ring baka raw ito ang comeback project nina Julia Barretto at Enrique Gil na huling nagkasama noon sa seryeng “Mirabella.”

Ito naman ang samu’t saring reaksyon ng kibitzers sa X.

“Hope and Pray it could be FRANSETH”

“BAGAY DIN TO KAY KAI MONTINOLA AT KYLE ECHARRI”

“Lakas Kotob ko Kai ?? Kyle ???”

“Sorry but Ilys1892 is for MarNella. MarNella or nothing!”

“Dapat sila Janella at Marlo ‘yan!!”

“Kai and Kyle Ang Bida…balikan niyo Ako pag tama”

“MarNella plsss. Sla yung mukha ng book na yan . Shutaaaaa. Sla talaga fit”

“Sana si Janella at Marlo please??”

“Ang aking OG Juanito at Carmela??”

“Franseth ang bagay dito”

“Kai And Kyle.”

“Baka si Julia and Enrique to”

“JMFYANG PO PLSSS ”