Advertisers

Advertisers

Patrick Marcelino ng Inner Voices, walang balak iwan ang grupo

0 33

Advertisers

Ni Archie Liao

BAGO pa man umanib si Patrick Marcelino sa bandang Inner Voices ay malawak na rin ang karanasan niya sa pag-awit.

“I have my own band. I am a freelance singer and I used to sing sa weddings at corporate events,” pagbabahagi niya.

Sumali rin daw siya noon sa singing competitions sa noontime shows tulad ng MTB (Magandang Tanghali Bayan) at Eat Bulaga.

Nagtrabaho rin daw siya noon sa Singapore kung saan nakilala niya ang ilang miyembro ng Inner Voices.

Taong 2018 naman nang bumalik siya sa bansa nang pumanaw ang kanyang asawa dahil sa karamdaman.

Medyo nahinto rin ang kanyang pagkanta dahil siya ang nag-alaga sa kanyang mga anak.

Blessing in disguise naman niyang maituturing na napabilang siya sa grupo ng Inner Voices noong i-launch siya noong Abril.

“Actually, iyong ibang members, matagal ko nang kilala. Iyong nangyari, parang aksidente lang. Unexpectedly, nagkaroon ng changes sa Inner Voices sa front man. At that time, ginagawan ako at ipagproprodyus talaga ako ni Atty. Rey ng song as a solo artist. But since, wala pang progress, I took it as an opportunity to work with them. Ako naman kasi iyong nagsu-sub sa dating singer nila, ” lahad niya.

Bilang bokalista, enjoy daw naman siya sa pakikipagtrabaho sa grupo.

“Magaan silang katrabaho kasi lahat kami makukulit. Wala namang masyadong pressure talaga. I’m just here with them to expand on our song list and focus on our original songs,” sey ni Patrick.

Sa ngayon daw ay wala rin sa balak niya ang mag-solo dahil gusto niyang mag-stick sa grupo.

“For now, wala po talaga. I believe, they worked hard po on this na. I guess, I wanna focus on our original songs. We have the same mindset,” bulalas niya.

Naniniwala rin siya na darating ang panahon na mas lalawak pa ang audience o captive market ng kanilang musika.

” I guess, we’ll make a big hit din. I don’t know, maybe one or two or three songs. Just continue lang sa trabaho namin at sa pagpro-promote. Malakas din iyong panalangin,” pagtatapos niya.

Ang Inner Voices na nagwagi ng best inspirational song award para sa awiting

“Isasayaw Kita” sa 16th PMPC Star Awards for Music noong 2024.

Ang kanilang mga bagong original songs na kinabibilangan ng THAL (Tubig Hangin Apoy Lupa),Meant To Be, Idlip, Sayaw Sa Ilalim ng Buwan, Saksi Ang Mga Tala, Handa Na Kitang Mahalin, at Galaw ay available na sa iba’t ibang online platforms tulad ng Spotify, YT channel, FB, IG at iba pa.

Bukod kay Patrick, ang Inner Voices ay binubuo nina Atty. Rey Bergado (band leader and founder), Rene Tecson (guitarist), Alvin Herbon(bassist), Joseph Cruz (keyboardist)at Joseph Esparago (percussionist).

Ang pamosong grupo ay nagpe-perform tuwing Huwebes at Sabado ng gabi sa Hard Rock Café sa Makati.

Tuwing Lunes naman ay nasa Bar 360 sa Newport World Resorts Manila sila samantalang tuwing Biyernes ay matatagpuan sila sa Bar IX (Nine) Molito sa Alabang.

Isang beses naman kada buwan ay nagpe-perform sila sa 19 East sa Parañaque at Aromata sa Quezon City.